(Pardon the typo errors, I’m not a machine that’s why it’s
unavoidable to make mistakes and this is written out of whim so bear with it,
hope this will help you in the future J)
Graduate ka na ng BSA? Kala mo tapos na paghihirap mo? Dyan
ka nagkakamali tol! Ang totoo nyan simula pa lang yan. Kailangan mo pang
mag-exam para maging isang CPA!
No. 1 mong dapat gawin pakagraduate mo ay ang i-assess ang
sarili mo.
Bakit ka ba nakagraduate?
1) Magaling
ka talaga! In born talent.
2) Pagsisikap/Masipag.
Ginagawang araw ang gabi sa pagrereview.
3) Kopya
here. Kopya there.
4) Swerte
lang.
San ka sa apat na yan? Kung nandun ka sa una at pangalawa,
hindi ka na mahihirapan. Siguradong naretain kahit hindi man lahat ang mga
inaral mo nung undergrad. Ngayon kung nandoon ka naman sa tatlo at apat, dun ka
may problema. Bakit? Hindi po uubra ang matang lawin at swerte sa actual board
exam. Sobrang magkakalayo ang upuan at magkakaiba pa ng set although
pare-pareho lang ng tanong, nagkatao lang sa pagkakasunud-sunod.
Pangalawa, ngayong naassess mo na ang sarili mo, its time to
decide kung saang review center ka mageenroll. Well, its not a must na
magreview center ka, kung alam mo naman sa sarili mo na ready ka na to take the
board exam, why not di ba? Pero ayun ay kung ready ka na talaga. Paano ba
malalaman kung ready ka na? Mahirap sabihin yun eh, kaya ang gawin mo, try to
get a copy of past preboard exams ng kahit anong review center (some of them
kasi e lumabas na sa previous actual board exams) then sagutan mo yun, yung
pagsagot na para bang actual board na talaga tapos check mo. If you get a grade
of 75% above each subject (must be zero base) then you’re ready. But if not, la
kang choice, you have to study further either on your own or with the help of a
reputable revie school. But I strongly suggest na magenroll ka sa review
school, why? Malaking tulong ito, marami kang matutunang techniques na
magpapadali sa buhay mo.
Now, anong review center ang dapat mong piliin?
Maraming nagkalat dyan. Andyan ang CPAR, ReSA, PRTC, CRC-ACE
at madami pang iba. I personally experienced those the first three review
center, yung ReSA and PRTC, nung undergrad ako, it’s part of our curriculum, then yung CPAR, yan yung
review center ko nung gumraduate na ako at nagpreprepare na to take the board.
To help you choose, bigyan ko kayo ng short review nung tatlo.
ReSA
Nung undergrad ako, di ko sila naappreciate kasi mdyo
maypagkabulakbol ako noong panahon na yon at madalas akong magcut ng klase.
Hehe. But according to my classmates, magaling daw reviewers jan, hindi fast
pacing at astig daw ang turo what I mean is, maiintindihan mo talaga. Yung mga
lesson na hindi mo nagets nung undergrad, magiging sisiw sayo sa review. At ang
mas maganda pa daw nyan, gwapo ang reviewer, yung sa aud prob at prac 1 daw,
gaganahan ka daw talaga. HAHA!
PRTC
Ito ang review center na bagay sa mga taong tinamad nung
undergrad. Yung mga wala masyadong naretain sa utak (sorry kung medyo harsh
pagkakasabi ko), at yung mga taong nagaaral lang for the sake of exam or
quizzes at pagkatapo nun ay lumalabas na yung info from the brain o yung
tinatawag nating may ‘short-term memory’. The best ito para sa inyo. Ituturo
nila ang bawat board exam subjects in details. I personally like the reviewers.
Magagaling talaga sila, at may sense of humor pa. HAHA. Favorite ko si Atty.
Macmod. The best yan promise! Andyan din si Sir De Leon sa prac. 2, isa rin
yang komedyante pero astig magturo yan, makinig ka lang makukuha mo yung concept
ng topic. Si Sir Ocampo na author ng audprob, reviewer ko naman sa p1 at
audprob. He’s good, parang hindi nga lang masyadong tugma sa akin yung style
nya. Sanay kasi ako sa Valix-style eh. Hehe. Aud Theory at theory of accounts
ni Sir Valdes, isa pa yan sa idol ko, detalyado yan magturo, yung mga kaliit-liitang
detalye, itinutoro nya lalo na sa aud theory na sinasabing isa sa pinakamahirap
sa actual board exam. Si Atty. Ong ng Law, medyo mabilis magturo pero kung
matalas tenga mo at alert ka sa kanya maiintindihan at mamamaster mo ang law,
kaya lang medyo aantok antok ako sa klase kaya lumipat ako kay Atty. Lopez kung
saan natutunan ko ang mga salitang ‘Carnal Knowledge’ HAHA. At sa MS naman, si
Sir Bobadilla na galling pa daw ng ibang planeta ayon kay Atty Mac. Pero dahil
naglipat ako ng schedule nun para sakto sa exam naming sa school, nag Sir Tan
ako, magaling yan, may kabilisan nga lang. Pero parang wala na ata sya sa PRTC.
Ayon medyo humaba yung introduction ko sa PRTC.
CPAR
Kagaya ng tsismis na naririnig nyo, mabilis nga talaga ang
turo sa CPAR kaya requirement dito ang magandang foundation, hindi yung
ginagamit ng mga babae sa mukha ah, na ginagamit din ng mga binabae o kahit na
lalake. HAHA. Joke aside, dapat nga may natutunan kayo nung undergrad para
makasunod kayo sa turo dito, one reason kung bakit naglakas loob akong dito ako
magenrol e dahil nga naexperience ko na ang prtc at dahil dun narefresh lahat
ng alam ko o kahit na yung di ko alam. Pero kagay din ng mga tsismis, maganda
ang CPAR, pati yung ambiance nya maganda din perfect para sa mga gusting
matulog habang nagkakalase, malamig eh. HAHA. Lakas ng aircon makakatulog ka!
HAHA. Hindi biro lang yun, magigising ka nga eh, di ba pag giniginaw ka ng
halos manigas ka na sa lamig di ka makakatulog? Ayun yon! Gising ka pag
nagkaklase. Pero dun sa mga sanay sa aircon, ayun, sarap matulog. O tama ng
joke time, serious mode na tayo. Paano ko bang nasabing the best sa CPAR at the
best ang reviewers dito? First-hand experience syempre. Isa-isahin ko mga
Reviewer.
Unahin natin sa TOA at P1 since magkasama yang itinuturo sa
CPAR which I think is efficient and effective naman kasi if you know the
theory, you can solve the problem J
Si Sir Valix ang naging reviewer ko dyan, yung anak ah,
hindi yung tatay. “Baby Valix” Kung tawag nung mga reviewees sa kanya. Magaling
yan! Co-author eh. Kung master mo na yung reviewer ni Valix, so easy na makinig
sa kanya para bang narerefresh na lang utak mo tapos yung mga topics na may
pag-aalinlangan o katanungan ka, mabibigyang linaw at kasagutan. Astig noh!
MS- Sir Rodel Roque
Yan ang pinaka paborito ko sa lahat, yung mga AAS at ABS nya
sa Standard Costing, malaking tulong yun, hindi lang sa MS pati na rin sa P2,
lumalabas din kasi yun sa P2 as part of Cost Accounting. Hanep din yung mga
joke nyang pangmatalino! Sasakit tyan mo sa kakatawa pero matututo ka. Part
kasi ng lesson yung joke nya, hindi basta joke lang! Basta astig sya! Kahit na
lagi nyang nilalaglag ang kapatid nyang si Gerardo ‘Jerry’ Roque.
AUDPROB/AUD THEORY- Jerry Roque
Isa pang patawa yan. Kung magaling ang kuya ganun din ang
kapatid. Haha. Sa Theory ko sya mas naappreciate, yung prob kasi basta alam mo
yung pasikot-sikot ng p1 ayos na. Sa theory, more on application yung tinuturo
nya na inaaply nya rin sa problem kasi para dun sa di pa nakakaalam may theory
par ang audprob. Yang Roque brothers nay an at si Sir Ibay, na hindi ko naging
reviewer, yan ang mga lucky charm ng CPAR kasi sabi ni Atty. Valix, swerte daw
talaga mga dwende! HAHAHA!
BL- Atty Dela Cruz
Ang style nya ituturo nya muna lahat bago magsagot ng
handouts. Makinig ka ng husto sa ituturo nya, nandun na lahat ng dapat mong
malaman, tandaan mo na lang or mas maganda magtake down notes ka. Hanep yan mag
jokes lagging wholesome haha. Yung joke na hindi pwede sa mga menorde edad.
Lagi nyang sinasabi na kapag daw BSA graduate, matalino pero pag maganda
tourism daw yun. Haha. Pero thanks sa green jokes nya mas maaappreciate mo yung
lesson. Nagtuturo din sya ng tax, di nga lang sya yung reviewer ko sa tax.
TAX- Atty. De Vera
Medyo may kabilisan, maaga lagi magdismiss pero ayos naman
sya, magaling sya magsalita halata mong abogado. Mahalaga yung mga sinusulat
nyan sa board, kaya mas okay kung isusulat mo din, that would serve as your
reference, maikli pero halos andun na yung mga dapat mong tandaan.
P2- Sir Brian Lim
Yan ang masasabi kong matalino talaga! Top 1 yan nung May
2007 CPA board exam. Sya yung tipong ibibigay sayo yung mga dapat lagging
tandaan, yung frequent errors. Astig! Crush nga yan nung kaibigan ko e. Bata pa
sya pero dami na alam. Halatang dedicated sa pagtuturo, isulat mo lang yung mga
sinasabi nyang important notes, gagaling ka sa p2. Yung business combi na di mo
magets nung undergrad, mamaniin mo yan sa actual board.
O ayan, alam nyo na! Ngayon saan nyo mas gusto? Pasensya na
kung medyo may bias, hehe, mas nagtagal lang talaga review ko sa CPAR at dun
din ako mas nagimprove kaya may pabor ako sa CPARJ Pero nasa sainyo pa rin yan kung saan nyo gusto, ang
mahalaga naman ay ang matuto kayo.
Ngayon, punta na tayo sa mga TIPS para mas mapadali ang
pagrereview at masigurong handa kayo pagdating ng board exam.
- Maglista ng priorities…
Dapat nyong bigyan ng mas malaking oras yung subject kung san kayo mahina,
wag kayong magfocus dun sa magaling na kayo, oo masarap mag-aral pag gets
moa gad pero hindi yun ang punto, oras kalabang mo kaya proper time
management ang kailangan.
- Maglista din ng topics na
hindi nyo gamay per subject. E.g. P1- Employee Benefits, P2- Bs. Comb,
etc. Isulat nyo sa sticky note o kahit na anumang papel, ibold nyo
pagkakasulat tapos idikit nyo sa wall kung sa bahay nyo kung saan ka
madalas mag-aral. Bigyan nyo yung ng sapat na oras, wag nyong tigilan
hangga’t di nyo namamaster.
- Pasadahan nyo yung review
materials nyo. Unahin nyo muna yung binigay ng review center kung saan ka
nakaenrol bago yung sa iba. Ginawa naman talaga yan para maintindihan nyo
yung concept kaya it’s a must na mapagaralan nyo yan. Ngayon pag may extra
time ka pa, dun mo itry isolve at sagutan ang review materials ng ibag
review centers at pati yung mga review books nyo.
- Wag magmemorize. Kung
Gawain nyo yan nung college dahil alam nyong sa mga review books lang
kumukuha ang mga prof nyo pag exam, wag na wag nyo yang gagawin sa review.
You should know and understand the concept and not memorize the answers!
Promise talo kayo pag mahilig lang kayong magmemorize ng mga sagot, yung
tipong tatandaan yung problem tapos yung answer dun! Patay ka dyan!
Magsolve ka! Alamin mo lagi yung reason behind dun sa mga sagot!
- Prepare a flash card.
Effective yan sa MS dahil madaming formulas ang dapat tandaan.
- Always assess yourself
kung sapat na ba yung ginawa mong aral. Kung sa tingin mo’y di pa at may
mga nakakalimutan ka pa. Review mo ulit yung mga nakakalimutan mo! Much
better kung isusulat mo sa isang notebook yung mga madalas mong
makalimutan, para mabalik-balikan mo pag may time.
- Never give up.
- Have a proper rest.
- Magenjoy pag may extra
time, magliwaliw.
- Lastly and the most
important thing is have Faith. Never forget to pray. God will always help
you throughout if you’re doing your job to help yourselfJ
What to do a week before the exam?
You’re almost ready to take the exam, ang totoo nyan ready
ka na talaga. Kung may pag-aalinlangan ka pa or doubt sa sarili mo, di naman
yan maiiwasan, ganyang ganyan din ang naramdaman ko nung magtetake ako. Di
mawawala yan, dasal lang ang katapat nyan. Wag kakalimutang magsimba,
importante yan pramis! No matter what your religion is.
Mahalagang makapagpahinga kahit na isang araw a week before
ng exam. Iwasang magkasakit! Dapat hindi lang ang utak mo ang ready, dapat pati
body mo ready din!
Yung sa pagrereview naman, focus on your preweek lectures,
pasdahan mo rin yung mga topic na alam mong madalas lumabas sa exams like cost
accounting, kundi sa ms, madalas yang lumabas sa p2.
Wag kayong papauto sa mga tsismis na kapag toa sac par, p2
resa, aud theory sa prtc, etc. Although minsan totoo pero please lang mga
tsong, gaya ng sabi ko wag magmemorize! Ang mahalaga kasi dyan alam mo yung
concept para kahit paikot-ikutin ang tanong, hindi ka maliligaw ng landas.
Wag kang mataranta kung feeling mo, di mo pa kaya.
Pagnilayan mo at pag-isipan ng mabuti kung kaya mo na ba talaga o kulang pa ang
aral mo? Kung sigurado ka ng kaya mo, then Godbless pero kung sa tingin mo, di
pa pwede, take a risk! Ayo lang kung di mo pa makuha sa ngayon, atleast next
time alam mo na gagawin mo at alam mo na ang mga pagkukulang moJ
Andwho knows baka akala mo lang na di mo pa kaya, kinakabahan ka lang pala!
A Day Before the Exam
Mas nararamdaman mo na ba ang kaba? Normal lang yan. Yung
kabang yan, sign yan na excited ka kasi papas aka na!
Iwasang kumain ng mga pagkaing d type ng tyan mo! Mahirap na
baka madisgrasya ka sa exam! Di pa naman nagpapalabas hangga’t di pa lumilipas
ang isang oras after magstart, buti sana kung before mo yan maramdaman e paano
kung during? Tsk. Tsk.
Di ka makatulog? Siguro sobrang excite ka. Pero sikapin mo
pa ring matulog J
Kailangan mo ng energy para bukas.
Nagrereview ka pa rin? Oks lang yan, kung yan ba ang style
mo eh. But remember to not overdo yourself.
Oh, hinanda mo na ba ang mga dapat mong dalhin? NOA, Official
receipt, 2 or more No. 2 pencils, black ballpen, transparent and brown
envelope.
Yan handa ka na! Ops teka! Pray. Lagi nating kailangan nyan.
Exam na!
Mental block? Oh No! Itaob mo muna yung questionnaire then
close your eyes. Ask for divine intervention! Effective di ba?
Di mo talaga alam yung question? Skip mo muna, dun ka muna
sa mga alam mo, balikan mo na lang pagkatapos mong sagutan ang lahat. Oops, la
ng time, wala ka pang sagot sa iba? Magshade ka na! Don’t worry sa pagsheshade,
its alright to erase if it is inevitable basta malinis ang pagkakabura, wag
bubtasin yung answer sheet, pero careful pa din, hangga’t maiiwasan, avoid
erasures para sigurado lang. Woah, may mga blanko pa la na time! Never leave it
blank, gamitin ang power ng tsamba! Shade the letter na feeling mo tama! ;-)
Kung may time ka pa review mo sagot mo before you shade baka may naoverlook ka
eh! Try counting your answers that you’re very sure of. Lampas 75% Congrats!
Pasado ka sa subject nay an! There are rumors na nagsasabing di daw talaga
zero-base ang boa pero mas okay pa din na iassume mo na zero base sila. Kung
hindi pasok sa 75% ayos lang yan , at least 65%. Kung di pa rin, ayos pa din
yan, think positive, yung sure mo lang naman binilang mo di ba . Yung hindi mo
sure, there’s still a 25% chance na tama yun. Why 25%? Kasi there are four
letters in every problem, 1 out of 4 is 25%, unless naeliminate mo na yungalam
mong mali sa choices, e di 50% na yung chance mo!
After taking the Seven subjects. Yes! Success! Don’t feel
down. You don’t know the result yet. Always look for the bright side. Akalain
mo nairaos mo yung cpa board exam na sinasabing isa sa pinakamahirap na board
exam sa pinas? Astig ka na nun! Icongratulate mo na sarili mo! Pero syempre,
isa lang naman ang gusto nating lahat! Ayun ay ang pumasa! Well, let’s leave it
to God. Ginawa na natin part natin, sya nang bahalang magdecide. But always
remember na kahit anuman ang maging resulta as long as we did our best, wala
tayong pagsisihan, at kung hindi man natin makuha sa ngayon, isipin natin nab
aka hindi pa ito yung tamang panahon, baka may mas magandang plano sa atin si
God. And never lose hope, madami pang pagkakataon! Pero for now, CongratsJ
----
BONUS TIPSJ
What to expect from
each subject?
- Theory of accounts -Masterin nyo yung TOA ni Valix pramisJ
- Auditing Theory –Quite hard and tricky. Try to read PSAs if
you have time.
- MS –Mas mahirap to kesa sa inaasahan mo! Pramis! Kaya masterin
mo yung pasikot-sikot every topic. Maraming theories, kaya basa-basa din
pag may time ng theories.
- P1 –Valix-type yung style ng problems J
- AP –Madali lang yan pramis, kapag di mo makuha ang sagot, may
mali sa tanong nyan or wala sa choices yung tamang sagot!
- P2 –Aralin nyo lahat pero focus kayo sa Cost Accounting pati
Forex, madaming lumalabas na ganyan. Sa Gov’t acctng naman and
Not-for-profit org, focus kayo sa entries.
- BLT –Magugulat kayo sa lalabas, di nyo inaasahang ganun.
Mapapa “Yun na yun?” kayo pramis. Basic na basic, especially yung problem
sa tax. Aralin nyo lang yung basics ng income, estate at donor’s tax. Yung
theories, yakang-yaka na yun. Yung BL lang medyo nakakalito, kaya
kaylangan din ng kauntig memorization J
GOD BLESS!!! You can
do it baby!
I’ll post an article
about my own experience during my review and during the actual board na din next
time to inspire you! Hehe. And tips kung gusto nyong mag top although ordinary
passer lang ako!
Nga pala kakapasa ko
lang ngayong October 2013! Hehe. It really feels good nung makita ko yung name
ko dun sa list of passers! Parang nasa cloud 9!
Paunawa lang po!
Walang nagbayad o nagutos sa akin para gawin ang article na ito. Ginawa ko to
para matulungan kahit papano yung mga aspiring CPAs, dahil tulad nyo, minsan
din akong nangarap at yung feeling na natupad mo na yung pangarap mong yun,
sobrang overwhelming! And I want you to feel this way too!